Kabanata 07 Lick It Clean
Binale-wala ni Ryder si Karen.
Pagkapasok pa lang niya, sa iisang tao na agad nakatutok ang tingin niya.
Si Sam!
Sa kanya siguro ‘yung kotse sa ibaba.
Napagdesisyunan ni Sam na oras na para magyabang. Tumayo siya at may pangmamata na sinabi, “So ikaw pala ‘yung walang silbing asawa ni Sarah. Makinig ka—hiwalayan mo na siya ngayon din. Pumayag ka, bibigyan kita ng trabaho bilang guwardiya, $6,000 kada buwan. Mas malaki pa ‘yan sa kikitain mo sa buong buhay mo, ‘di ba?”
Akala niya magpapasalamat si Ryder at susunod na lang, tapos papayag sa diborsyo.
Binale-wala siya ni Ryder. Lumapit siya, diretsong tinitigan si Sam. “Ikaw si Sam?”
“Natakot ka pa ‘pag narinig mo lang pangalan ko?”
Umungal si Ryder, “Ikaw ‘yung hayop na bumangga sa kapatid ko tapos tumakas, ‘di ba?!”
Saglit na kumislap ang gulat sa mga mata ni Sam. “Ha… ha? Ano’ng sinasabi mo? Hindi ko gets!”
Kumislot ang panga ni Ryder. Kumitid ang mga mata niya, nag-aalab ang galit sa loob. “Ikaw gumawa, pero ayaw mong umamin!”
Bago pa makasagot si Sam, sumugod si Karen kay Ryder.
Nginisian niya nang mapanlait. “Baliw ka ba?! Paanong si Sam, kaibigan namin, ‘yung bumangga tapos tumakas! May topak ka ata!”
Dumilim din ang mukha ni Ernest. “Ryder! Mag-sorry ka kay Sam ngayon din!”
Kahit si Sarah, napakunot-noo at tinanong siya, “Sigurado ka bang hindi ka nagkakamali?”
“Nagkakamali?” Inilabas ni Ryder ang phone niya at pinatugtog ang isang video. “Kayo na mismo tumingin!”
Kuha ‘yon ng CCTV.
Sa tapat ng gate ng eskuwelahan, pagkatapos ng panggabing review, maayos na naglalakad si Ava sa gilid ng kalsada nang biglang bumaling nang marahas ang isang itim na Porsche at sinalpok siya. Ni hindi man lang huminto ang kotse—naglaho na lang sa dilim ng gabi.
Natapos ang video.
Si Sam, na kanina pa naninigas sa kaba, biglang nagpakawala at tusong nagsinungaling, “Ayan na ‘yung ebidensya mo? Ang daming Porsche sa Houston. Bakit ako ang sinisisi mo? Paninirang-puri ‘yan. Kakaso kita!”
Sumabat si Karen, “Desperado ‘yang gagong ‘yan, bina-blackmail ka lang! Hindi pwede! Sam, suportado kita—idemanda mo siya!”
Tumingin si Sarah kay Ryder at napabuntong-hininga sa pagkadismaya. Hindi niya inakalang kaya niyang bumaba sa gano’ng level. “Kahit blackmail, gagawin niya para sa pera?” naisip niya.
“Kakasuhan mo ‘ko? Ipapakulong mo ‘ko?” nanuya si Ryder. Dinukot niya sa bulsa ang ilang pinalaking litrato at ibinagsak sa mesa. “Sige. Ituloy mo. Kaya mo ba?”
Nanlaki ang mga mata ni Sam. Namutla ang mukha niya.
Sobrang linaw ng mga litrato: close-up ng itim na Porsche na bumangga at tumakas, kitang-kita ang driver.
Si Sam mismo.
Tumahimik ang buong sala.
Sobrang linaw ng kuha para masabing peke.
Tumingala si Sam kay Ryder, pilit nagkukunwaring kalmado. “Paano mo nakuha ‘yan?”
Pero sa loob-loob niya, nagkakandarapa ang isip niya sa takot.
Isang linggo na ang nakalipas, nagmamaneho siya nang lasing, nakabangga ng tao, at tumakas. Kalaunan nalaman niyang ulila ang babaeng nabangga niya—wala nang magulang, kapatid lang na wala ring silbi.
Kaya hindi niya sineryoso. Ginamit pa niya ang mga koneksyon niya para patahimikin ang isyu. Hindi niya inakalang ‘yung kapatid na ‘yon, asawa pala ni Sarah—at kung paano pa, nagkaroon ng ebidensya.
Imposible! Ginamit ko ang mga koneksyon ko para ibaon ‘to… naisip ni Sam.
Malamig na tanong ni Ryder, “Aamin ka?”
Kumunot-noo si Sam at sumagot, “E kung oo nga? Ikaw ba ang batas para hatulan ako? Tigilan mo ‘yang pagpapanggap. Pera lang ang habol mo. Basura ang kapatid mo, gaya mo. Bibigyan kita ng $20,000 bukas, ngayon lumayas ka na!”
Kahit alam nang si Sam ang may kasalanan, ipinagtanggol pa rin siya ni Karen. “Skwater lang ‘yan, hindi ganyan kamahal. Mas mabuti pang bilhan mo na lang ako ng makeup.”
Hindi nagsalita si Ryder. Lumakad siya papunta sa coffee table, dinampot ang bote ng ’82 Lafite, at tinimbang-timbang sa palad.
Pagkakita nito, mabilis na suminghal si Ernest sa matigas na tono, “Ilagay mo ’yan! Sampu-sampung libo ang halaga ng boteng ’yan, wala kang pambayad pag napalitan!”
“Wala akong pambayad?” nangutya si Ryder. “Siya nga, wala ring pambayad sa utang niya sa ’kin.”
Bago pa makareak ang kahit sino, inundayan ni Ryder ng hampas ang bote at binasag nang todo sa ulo ni Sam!
Durog-durog ang bote, tumalsik ang bubog kung saan-saan. Bumagsak si Sam sa sahig, naghalo ang dugo at pulang alak sa tuktok ng ulo niya—nakakatindig-balahibo ang itsura.
“Ryder! Gago ka! Paano mo ’ko nagawang saktan?!” sigaw ni Sam habang sapo ang ulo.
“Pupukpukin kita na parang asong gala!” Kinuha ni Ryder ang isa pang bote ng red wine at iaangat na sana para ihampas ulit.
Naiwasan ni Sam sa sakto ang suntok ng bote. Kaso, sa lapag sa tabi niya bumagsak ang bote at sumabog sa pira-pirasong bubog na dumale sa kaniya sa kung saan-saan.
Natigilan ang buong pamilyang Johnson sa biglang pagliko ng pangyayari. Ilang sandali pa, si Karen ang unang naka-recover—hinampas ang mga hita at humagulgol, “Tapos na! Patayan! May pinatay na si Ryder!”
Nakatitig si Ernest sa nagkalat na bubog sa sahig, halos maiyak sa hinayang. “Aba, ’yung alak ko! Hindi ko pa nga naipost sa My Day…”
Tinakpan ni Sarah ang bibig niya, nanigas sa takot.
Mura ni Sam nang may poot, “Ryder! Gago! Dapat talaga pinatay ko na ’yung maliit na pukinang ’yon nung araw na ’yon!”
“Ang dumi ng bibig mo, tumahimik ka!” Dinampot ni Ryder ang kuwintas mula sa sofa at dumeretso kay Sam.
Mabilis siyang hinarangan ni Karen. “Ikaw na walang silbi, ano’ng gagawin mo?! Mahigit isang daang libo ang kuwintas na ’yan! Huwag kang tanga!”
Sinulyapan ni Ryder ang kuwintas, kumislap ang tingin niya na parang may balak pumatay.
“Umalis ka sa tabi.”
Tinulak niya si Karen palayo, lumapit kay Sam, at pilit isiniksik ang kuwintas sa bibig nito.
“Nangahas kang lokohin ang asawa ko? Hinahanap mo ’yan!”
Sinubukan ni Sam lumaban, pero isa lang siyang alagang mayaman na ni hindi man lang nakaranas magbanat ng buto kahit isang araw sa buong buhay niya. Hindi siya tumalab kay Ryder na ilang taon nang kumakayod sa pabrika. Sa huli, napilitan siyang lunukin ang diamond na kuwintas.
Kahit anong pilit niya, hindi niya mailuwa. Para siyang sinakal ng kawalan ng pag-asa.
Lubos na kinilabutan ang pamilyang Johnson sa eksenang iyon. Sa isip nila, si Ryder dati laging mahina, madaling apihin, ni hindi marunong sumuntok—kahit magsalita man lang nang matapang sa kanila.
Ngayon, ang lalaking nasa harap nila ay parang hindi na siya—ibang tao, at nakakatakot.
Pinigil ni Ryder ang baba ni Sam at tinitigan ito nang malamig.
Wala nang bakas ng yabang si Sam. Sa titig ni Ryder, kusang nanginig ang katawan niya.
Kalmadong sabi ni Ryder, “Ayaw mong magbayad ng danyos? Ang gastusin sa ospital ng kapatid ko dahil sa aksidente sa sasakyan, umabot ng $4 milyon. Ako, ‘di sinasadya, nabasag ko ’yung alak mo at nasira ’yung kuwintas mong $30,000. So may utang ka pa sa ’kin na $3.97 milyon. Kung paano mo babayaran, depende sa timpla ng araw ko.”
Hindi iyon gawa-gawa ni Ryder. Noong nakaraang araw, nagpasok si Scott ng mga top na eksperto para sa operasyon, may private room pa at iba pang gastusin—kaya totoong nasa mga $3 milyon ang bayarin.
At ’yung kuwintas ni Sam? Kaninang umaga, nang dumaan si Ryder sa jewelry store para bilhan si Sarah ng kuwintas, nakita niya mismo ang kaparehong disenyo—$30,000 lang ang presyo. Tapos itong plastik na ’to, ipinagyabang na $100,000 daw.
Akala talaga niya, kaya-kaya niyang apihin si Ryder!
