2 Book(s) Related to nano machine light novel

CEO Windsor, Gusto Nang Makipaghiwalay Ng Asawa Mo

CEO Windsor, Gusto Nang Makipaghiwalay Ng Asawa Mo

770 Mga Pagtingin · Patuloy · Louisa
Dapat ba talagang isuko ng isang babae ang kanyang karera para lang maging isang maybahay?

Ngayon, kapag may nagtatanong sa akin niyan, iisa lang ang isasagot ko: hinding-hindi talaga.

Pitong taon kaming kasal, tapos malalaman ko na lang na niloloko na pala ako ng asawa ko. Ang masakit pa, mismong sa araw ng birthday niya, tiningala siya ng mga anak namin at inosenteng sinabi, "Gusto po namin si Tita Heidi na lang ang maging Mommy namin."

Sa mismong araw ring iyon, parang pinagsakluban ako ng langit at lupa nang matanggap ko ang resulta ng check-up ko: late-stage ovarian cancer. Habang naglalakad ako sa pasilyo ng ospital, nakita ko ang asawa ko. Hawak-hawak niya ang mga kamay ng mga bata habang aligaga at maingat na inaalalayan si Heidi na ma-discharge.

Ni minsan, hindi ko nakitang ganoon kalambing at kaasikaso si Arthur. Pati ang mga bata, napakabait at walang kakulit-kulit—para silang nasa isang commercial ng perpekto at masayang pamilya, habang ako... heto, parang isang saling-pusa, isang estranghero sa sarili kong pamilya.

Doon ko tuluyang napagtanto ang isang mapait na katotohanan: ang pinakamalaking pagkakamali ko sa buong buhay ko ay ang ibaon sa limot ang sarili kong mga pangarap para lang magpakasal.

Iniwan ko ang mga papeles ng diborsyo sa ibabaw ng hapag-kainan. Pagkatapos noon, dire-diretso akong bumalik sa laboratoryo ko, at ni minsan ay hindi na ako lumingon pa.

Makalipas ang apat na buwan, gumawa ng matinding ingay sa buong mundo ang naging tagumpay ng aking pananaliksik. Naging laman ako ng mga balita.

Nang lumabas ang mukha ko sa telebisyon, nagkukumahog na sumugod si Arthur sa building ng laboratoryo ko kasama ang kambal. Halatang-halata ang pamamaga ng mga mata nila sa kakaiyak.

"Caroline, sa mga nagdaang buwan na wala ka... parang nawalan ng saysay ang buhay ko. Hindi ko kayang mabuhay nang ganito!" Lumuhod siya sa gitna ng buhos ng ulan, iwinawagayway ang luma naming singsing sa kasal, at nagmamakaawang patawarin ko siya.

"Mommy, patawad po... nagkamali po kami..."
Pinirmahan ang Diborsyo, Ngayon Siya'y Nagmamakaawa nang Nakaluhod

Pinirmahan ang Diborsyo, Ngayon Siya'y Nagmamakaawa nang Nakaluhod

269 Mga Pagtingin · Patuloy · Eudora
Sa loob ng dalawang taon naming pagsasama, nilunok ko ang lahat ng pride ko at nagpakababa hanggang sa mawalan na ako ng dignidad, para lang tawagin niyang "tuso" at "manggagamit." Sa paningin niya, isa lang akong desperadang babae na gumamit ng maruming bitag makagapang lang sa kama niya. Ginagawa ko lang daw kasangkapan ang mga bata. At kahit kailan, hinding-hindi ko raw mapapantayan ang paborito at kaawa-awa niyang "hipag."

Nang nandidiri niyang haplitin ang mga damit ko at marahas akong idiniin pababa, nanginginig ang boses na umamin ako sa kanya: "Buntis ako!" Pero tinuya lang niya ako. Nagdadrama lang daw ako. Ang masakit pa, kahit noong nakunan na ako't nawala ang anak namin, nakuha pa niyang makipagtawanan sa pamilya ng salarin.

Sa huli, sumuko na rin ako. Sagad na sagad na ang pagod ko. Ang lahat ng pagmamahal at pagtitiis ko ay balewala lang pala sa kanya.

Nang ibato ko mismo sa pagmumukha niya ang papeles ng diborsyo, akala ko ay tapos na ang lahat, pero simula pa lang pala iyon ng kalbaryo ko. Nang mahigpit niyang hawakan ang pulso ko, idiniin ako sa pinto ng kotse, at sinakop ang mga labi ko ng isang marahas at mapusok na halik na tila inaangkin ako nang buong-buo, nakakahiya mang aminin pero may naramdaman ako... Ano ba talaga ang kailangan ng lalakeng ito?
1